Awit 72

Nawaʼy katakutan ka nila, magpakailanman, hanggang ang araw ay sumisikat, hanggang ang buwan ay naroon sa kalangitan.

Psalm 72:5 (UKJV) They shall fear you as long as the sun and moon endure, throughout all generations.

3Sumagana sana ang mga kabundukan upang mapagpala ang inyong mga mamamayan dahil matuwid ang hari.

4Tulungan nʼyo siyang maipagtanggol ang mga dukha at durugin ang mga umaapi sa kanila.

5Nawaʼy katakutan ka nila, magpakailanman, hanggang ang araw ay sumisikat, hanggang ang buwan ay naroon sa kalangitan.

6Ang hari sanaʼy maging tulad ng ulan na bumubuhos sa parang, ulan na dumidilig sa kalupaan.

7Umunlad sana ang buhay ng mga matuwid sa panahon ng kanyang pamumuno, at maging maayos ang kalagayan ng tao hanggang sa wakas ng panahon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.