20Alalahanin nʼyo ang kasunduan ninyo sa amin, dahil laganap ang kalupitan sa madidilim na lugar ng lupaing ito.
21Huwag nʼyong payagang mapahiya ang mga mahihirap at nangangailangan. Purihin sana nila kayo.
22Sige na po, O Diyos, ipagtanggol nʼyo ang inyong karangalan. Alalahanin nʼyo kung paano kayo laging hinihiya ng mga hangal na ito.
23Huwag nʼyong balewalain ang walang tigil na paghiyaw ng inyong mga kaaway dahil sa galit.