3Puntahan nʼyo ang lugar na sira pa rin hanggang ngayon; tingnan nʼyo kung paanong sinira ng mga kaaway ang lahat sa Templo.
4Sumigaw sila sa loob ng inyong Templo. Nagtaas pa sila roon ng mga bandila bilang simbolo ng kanilang tagumpay.
5Sinibak nila ang Templo na parang pumuputol ng punongkahoy sa gubat gamit ang palakol.
6Winasak nila ang mga inukit na mga kagamitan sa pamamagitan ng mga palakol.
7Nilapastangan at sinunog nila ang inyong tahanan.