Awit 78

Pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng ulap tuwing araw at sa pamamagitan ng liwanag ng apoy naman tuwing gabi.

Psalm 78:14 (UKJV) In the daytime also he led them with a cloud, and all the night with a light of fire.

12Nasaksihan mismo ng ating mga ninuno ang mga himala na ginawa ng Diyos doon sa Zoan sa lupain ng Ehipto.

13Hinawi niya ang dagat at pinadaan sila roon; ginawa niyang parang magkabilang pader ang tubig.

14Pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng ulap tuwing araw at sa pamamagitan ng liwanag ng apoy naman tuwing gabi.

15Biniyak niya ang mga bato sa ilang at dumaloy ang tubig at binigyan sila ng maraming inumin mula sa kailaliman ng lupa.

16Pinalabas niya ang maraming tubig mula sa bato at ang tubig ay umagos gaya ng ilog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.