Awit 85

Ang katapatan ng tao sa mundo ay alam ng Diyos sa langit, at ang katarungan ng Diyos sa langit ay matatanggap ng tao sa mundo.

Psalm 85:11 (UKJV) Truth shall spring out of the earth; and righteousness shall look down from heaven.

9Tunay na ililigtas niya ang may takot sa kanya, upang ipakita na ang kapangyarihan niya ay mananatili sa ating lupain.

10Ang pag-ibig at katapatan ay magkasama at ganoon din ang katarungan at kapayapaan.

11Ang katapatan ng tao sa mundo ay alam ng Diyos sa langit, at ang katarungan ng Diyos sa langit ay matatanggap ng tao sa mundo.

12Tiyak na ibibigay sa atin ng Panginoon ang mabuti at magkakaroon ng ani ang ating lupain.

13Ang katarungan ay parang tagapagbalita na mauunang dumating upang ihanda ang daan ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.