39Binawi nʼyo ang kasunduan sa inyong lingkod at kinuha sa kanya ang kapangyarihan bilang hari.
40Winasak ninyo ang mga pader ng kanyang lungsod at ginuho ang mga pinagtataguan nila.
41Kaya lahat ng dumadaan sa kanyang kaharian ay nananamantala, pinagsasamsam ang mga kagamitan sa lungsod. Pinagtatawanan siya ng mga katabing bansa.
42Pinagtagumpay nʼyo ang kanyang mga kaaway at pinasaya silang lahat.
43Winalang kabuluhan ninyo ang kanyang mga sandata at ipinatalo siya sa labanan.