42Pinagtagumpay nʼyo ang kanyang mga kaaway at pinasaya silang lahat.
43Winalang kabuluhan ninyo ang kanyang mga sandata at ipinatalo siya sa labanan.
44Winakasan nʼyo ang kanyang katanyagan pati na ang kanyang kapangyarihan bilang hari.
45At dahil ditoʼy, nagmukha siyang matanda sa bata niyang edad. Inilagay nʼyo siya sa kahihiyan.
46Panginoon, hanggang kailan nʼyo kami pagtataguan? Wala na ba itong katapusan? Hanggang kailan mag-aapoy ang inyong galit sa amin?