7Dahil sa inyong galit kami ay natutupok. Sa tindi ng inyong poot kami ay natatakot.
8Nakikita nʼyo ang aming mga kasalanan, kahit ang mga kasalanang lihim naming ginawa ay inyong nalalaman.
9Totoong sa galit nʼyo kami ay mamamatay; matatapos ang aming buhay sa isang buntong hininga lamang.
10Ang buhay namin ay hanggang pitumpung taon lang, o kung malakas pa ay aabot ng walumpung taon naman. Ngunit kahit ang aming pinakamagandang mga taon ay puno ng paghihirap at kaguluhan. Talagang hindi magtatagal ang buhay namin at kami ay mawawala.
11Walang lubos na nakakaunawa ng inyong matinding galit. Matindi nga kayong magalit, kaya nararapat kayong katakutan.