2Ang inyong trono ay naitatag na simula pa noong una, naroon na kayo noon pa man.
3Panginoon, umuugong ang dagat at nagngangalit ang mga alon.
4Ngunit Panginoong nasa langit, higit kayong makapangyarihan kaysa sa mga nagngangalit na alon.
5Mapagkakatiwalaan ang inyong mga utos Panginoon, at ang inyong Temploʼy nararapat lamang na ituring na banal magpakailanman.