12Parusahan nʼyo na po, Panginoong Diyos, ang taong masama. Huwag nʼyo pong pabayaan ang mga inaapi.
13Bakit nilalait ng taong masama ang Diyos? Sinasabi pa niya, “Hindi tayo parurusahan ng Diyos.”
14Ngunit nakikita nʼyo, O Diyos, ang mga taong nagdurusa at naghihirap. Lumalapit sa inyo ang mga kaawa-awa tulad ng mga naulila, at nakahanda kayong tumulong sa kanila.
15Tanggalan nʼyo ng lakas ang mga taong masama, at parusahan sila hanggang silaʼy tumigil na sa kanilang kasamaan.
16Ang Panginoon, ay Hari magpakailanman! Ngunit ang mga bansang hindi kumikilala sa kanya ay palalayasin sa bayan niya.