23Pinahina ng Panginoon ang aking katawan; at ang buhay koʼy kanyang pinaikli.
24Kaya sinabi ko, “O aking Diyos na buháy magpakailanman, huwag nʼyo muna akong kunin sa kalagitnaan ng aking buhay.
25Nang pasimula paʼy nilikha mo ang sanlibutan, at ikaw rin ang lumikha ng kalangitan.
26Maglalaho ang mga ito, ngunit ikaʼy mananatili magpakailanman. Maluluma itong lahat tulad ng damit. At gaya ng kasuotan, itoʼy inyong papalitan at itatapon.
27Ngunit ikaʼy hindi magbabago, at mananatiling buháy magpakailanman.