Awit 102

Ngunit ikaʼy hindi magbabago, at mananatiling buháy magpakailanman.

Psalm 102:27 (UKJV) But you are the same, and your years shall have no end.

25Nang pasimula paʼy nilikha mo ang sanlibutan, at ikaw rin ang lumikha ng kalangitan.

26Maglalaho ang mga ito, ngunit ikaʼy mananatili magpakailanman. Maluluma itong lahat tulad ng damit. At gaya ng kasuotan, itoʼy inyong papalitan at itatapon.

27Ngunit ikaʼy hindi magbabago, at mananatiling buháy magpakailanman.

28Ang mga lahi ng inyong mga lingkod ay mamumuhay nang ligtas sa mga panganib at iingatan nʼyo sila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.