4Akoʼy parang damong nalalanta na. Wala na rin akong ganang kumain.
5Dahil sa labis na pagdaing, akoʼy halos butoʼt balat na lang.
6Ang tulad koʼy mailap na kuwago sa ilang, at kuwago sa mga lugar na walang tao.
7Hindi ako makatulog; akoʼy parang ibong nag-iisa sa bubungan.
8Araw-gabi akong iniinsulto ng aking mga kaaway. Ang mga kumukutya sa akin ay ginagamit ang aking pangalan sa pagsumpa.