Awit 102

Araw-gabi akong iniinsulto ng aking mga kaaway. Ang mga kumukutya sa akin ay ginagamit ang aking pangalan sa pagsumpa.

Psalm 102:8 (UKJV) Mine enemies reproach me all the day; and they that are mad against me are sworn against me.

6Ang tulad koʼy mailap na kuwago sa ilang, at kuwago sa mga lugar na walang tao.

7Hindi ako makatulog; akoʼy parang ibong nag-iisa sa bubungan.

8Araw-gabi akong iniinsulto ng aking mga kaaway. Ang mga kumukutya sa akin ay ginagamit ang aking pangalan sa pagsumpa.

9Hindi ako kumakain; umuupo na lang ako sa abo at umiiyak hanggang sa ang luha koʼy humalo sa aking inumin,

10dahil sa tindi ng inyong galit sa akin; dinampot nʼyo ako at itinapon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.