7Hindi ako makatulog; akoʼy parang ibong nag-iisa sa bubungan.
8Araw-gabi akong iniinsulto ng aking mga kaaway. Ang mga kumukutya sa akin ay ginagamit ang aking pangalan sa pagsumpa.
9Hindi ako kumakain; umuupo na lang ako sa abo at umiiyak hanggang sa ang luha koʼy humalo sa aking inumin,
10dahil sa tindi ng inyong galit sa akin; dinampot nʼyo ako at itinapon.
11Ang buhay koʼy nawawala na parang anino, at nalalantang gaya ng damo.