9Hindi ako kumakain; umuupo na lang ako sa abo at umiiyak hanggang sa ang luha koʼy humalo sa aking inumin,
10dahil sa tindi ng inyong galit sa akin; dinampot nʼyo ako at itinapon.
11Ang buhay koʼy nawawala na parang anino, at nalalantang gaya ng damo.
12Ngunit kayo Panginoon ay naghahari magpakailanman; at hindi kayo makakalimutan sa lahat ng salinlahi.
13Handa na kayong kahabagan ang Zion, dahil dumating na ang takdang panahon na ipapakita nʼyo ang inyong kabutihan sa kanya.