11Ang buhay koʼy nawawala na parang anino, at nalalantang gaya ng damo.
12Ngunit kayo Panginoon ay naghahari magpakailanman; at hindi kayo makakalimutan sa lahat ng salinlahi.
13Handa na kayong kahabagan ang Zion, dahil dumating na ang takdang panahon na ipapakita nʼyo ang inyong kabutihan sa kanya.
14Sapagkat tunay na minamahal at pinagmamalasakitan pa rin ng inyong mga lingkod ang Zion, kahit itoʼy gumuho na at nawasak.
15Ang mga bansa ay matatakot sa Panginoon. Igagalang ng lahat ng hari sa mundo ang inyong kaluwalhatian.