Awit 102

Ang mga bansa ay matatakot sa Panginoon. Igagalang ng lahat ng hari sa mundo ang inyong kaluwalhatian.

Psalm 102:15 (UKJV) So the heathen shall fear the name of the LORD, and all the kings of the earth your glory.

13Handa na kayong kahabagan ang Zion, dahil dumating na ang takdang panahon na ipapakita nʼyo ang inyong kabutihan sa kanya.

14Sapagkat tunay na minamahal at pinagmamalasakitan pa rin ng inyong mga lingkod ang Zion, kahit itoʼy gumuho na at nawasak.

15Ang mga bansa ay matatakot sa Panginoon. Igagalang ng lahat ng hari sa mundo ang inyong kaluwalhatian.

16Dahil muling itatayo ng Panginoon ang Zion; ipapakita niya ang kanyang kaluwalhatian doon.

17Sasagutin niya ang panalangin ng mga naghihirap, at hindi niya tatanggihan ang kanilang mga dalangin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.