Awit 102

Sapagkat tunay na minamahal at pinagmamalasakitan pa rin ng inyong mga lingkod ang Zion, kahit itoʼy gumuho na at nawasak.

Psalm 102:14 (UKJV) For your servants take pleasure in her stones, and favour the dust thereof.

12Ngunit kayo Panginoon ay naghahari magpakailanman; at hindi kayo makakalimutan sa lahat ng salinlahi.

13Handa na kayong kahabagan ang Zion, dahil dumating na ang takdang panahon na ipapakita nʼyo ang inyong kabutihan sa kanya.

14Sapagkat tunay na minamahal at pinagmamalasakitan pa rin ng inyong mga lingkod ang Zion, kahit itoʼy gumuho na at nawasak.

15Ang mga bansa ay matatakot sa Panginoon. Igagalang ng lahat ng hari sa mundo ang inyong kaluwalhatian.

16Dahil muling itatayo ng Panginoon ang Zion; ipapakita niya ang kanyang kaluwalhatian doon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.