Awit 103

Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga anghel niya, na nakikinig at sumusunod sa kanyang mga salita.

Psalm 103:20 (UKJV) Bless the LORD, all of you his angels, that excel in strength, that do his commandments, hearkening unto the voice of his word.

18Ang magkakamit nitoʼy ang tapat sa kasunduan, at tapat na sumusunod sa kanyang kautusan.

19Itinatag ng Panginoon ang kanyang trono sa kalangitan, at siyaʼy naghahari sa lahat.

20Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mga anghel niya, na nakikinig at sumusunod sa kanyang mga salita.

21Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa langit, na naglilingkod sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban.

22Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na mga nilalang niya sa lahat ng dako na kanyang pinaghaharian. Purihin ang Panginoon!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.