Awit 104

Pupurihin ko ang Panginoon! Panginoon kong Diyos, kayo ay dakila sa lahat. Nadadamitan kayo ng kadakilaan at karangalan.

Psalm 104:1 (UKJV) Bless the LORD, O my soul. O LORD my God, you are very great; you are clothed with honour and majesty.

1Pupurihin ko ang Panginoon! Panginoon kong Diyos, kayo ay dakila sa lahat. Nadadamitan kayo ng kadakilaan at karangalan.

2Nababalutan kayo ng liwanag na parang inyong damit. At inilaladlad nʼyo na parang tolda ang langit.

3Itinayo nʼyo ang inyong tahanan sa itaas pa ng kalawakan. Ginawa nʼyo ang mga alapaap na inyong sasakyan, at inililipad ng hangin habang kayoʼy nakasakay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.