Awit 105

Pinadilim ng Diyos ang lupain ng Ehipto, ngunit sumuway pa rin sila sa kanyang mga utos.

Psalm 105:28 (UKJV) He sent darkness, and made it dark; and they rebelled not against his word.

26Sinugo niya si Moises na kanyang lingkod at si Aaron na kanyang hinirang.

27Ipinakita nila sa lupain ng mga lahi ni Ham ang mga himala na ginawa ng Diyos.

28Pinadilim ng Diyos ang lupain ng Ehipto, ngunit sumuway pa rin sila sa kanyang mga utos.

29Ginawa niyang dugo ang kanilang mga tubig, kaya namatay ang kanilang mga isda.

30Napuno ng palaka ang kanilang lupain, at pinasok pati ang mga silid ng kanilang mga pinuno.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.