Awit 105

Naglagay ang Diyos ng ulap na lililim sa kanila at kung gabi namaʼy apoy upang magbigay sa kanila ng liwanag.

Psalm 105:39 (UKJV) He spread a cloud for a covering; and fire to give light in the night.

37Pagkatapos nito, pinalabas niya ang mga taga-Israel sa lupain ng Ehipto na wala ni isa mang napahamak, at may dala pa silang mga pilak at ginto. At sa kanilaʼy wala ni isa mang napahamak.

38Natuwa ang mga Ehipsiyo nang umalis ang mga taga-Israel, dahil takot sila sa kanila.

39Naglagay ang Diyos ng ulap na lililim sa kanila at kung gabi namaʼy apoy upang magbigay sa kanila ng liwanag.

40Ang mga taoʼy humingi ng makakain, at pinadalhan sila ng Diyos ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkaing mula sa langit.

41Pinabitak niya ang bato at bumukal ang tubig. Umagos ito na parang ilog sa tuyong lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.