Awit 105

Ang mga taoʼy humingi ng makakain, at pinadalhan sila ng Diyos ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkaing mula sa langit.

Psalm 105:40 (UKJV) The people asked, and he brought quails, and satisfied them with the bread of heaven.

38Natuwa ang mga Ehipsiyo nang umalis ang mga taga-Israel, dahil takot sila sa kanila.

39Naglagay ang Diyos ng ulap na lililim sa kanila at kung gabi namaʼy apoy upang magbigay sa kanila ng liwanag.

40Ang mga taoʼy humingi ng makakain, at pinadalhan sila ng Diyos ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkaing mula sa langit.

41Pinabitak niya ang bato at bumukal ang tubig. Umagos ito na parang ilog sa tuyong lupa.

42Ang lahat ng ito ay ginawa ng Diyos dahil hindi niya kinalimutan ang kanyang pangako kay Abraham na kanyang lingkod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.