1Purihin nʼyo ang Panginoon! Magpasalamat kayo sa kanya dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.
2Walang makapagsasabi at makapagpupuri nang lubos sa makapangyarihang gawa ng Panginoon.
3Mapalad ang taong gumagawa nang tama at matuwid sa lahat ng panahon.
4Panginoon, alalahanin nʼyo ako kapag tinulungan nʼyo na ang inyong mga mamamayan; iligtas nʼyo rin ako kapag iniligtas nʼyo na sila,
5upang akoʼy maging bahagi rin ng kaunlaran ng inyong bansang hinirang, at makadama rin ng kanilang kagalakan, at maging kasama nila sa pagpupuri sa inyo.