Awit 107

Dahil tinipon niya kayo mula sa mga bansa; sa silangan, kanluran, timog at hilaga.

Psalm 107:3 (UKJV) And gathered them out of the lands, from the east, and from the west, from the north, and from the south.

1Magpasalamat kayo sa Panginoon, sapagkat siyaʼy mabuti; ang pag-ibig niyaʼy magpakailanman.

2Sabihin ninyo ito, kayong mga iniligtas niya sa kamay ng mga kaaway.

3Dahil tinipon niya kayo mula sa mga bansa; sa silangan, kanluran, timog at hilaga.

4May mga taong naglakbay sa ilang; hindi nila makita ang daan papunta sa lungsod na maaari nilang tirhan.

5Silaʼy nagutom at nauhaw at halos mamatay na.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.