Awit 109

Panginoon, sanaʼy maging ganyan ang inyong parusa sa mga nagpaparatang at nagsasalita ng masama laban sa akin.

Psalm 109:20 (UKJV) Let this be the reward of mine adversaries from the LORD, and of them that speak evil against my soul.

18Walang tigil niyang isinusumpa ang iba; parang damit na lagi niyang suot. Bumalik sana ito sa kanya na parang tubig na nanunuot sa kanyang katawan, at parang langis na tumatagos sa kanyang mga buto.

19Sanaʼy hindi na ito humiwalay sa kanya na parang damit na bumabalot sa katawan o sinturon na palaging nakabigkis.

20Panginoon, sanaʼy maging ganyan ang inyong parusa sa mga nagpaparatang at nagsasalita ng masama laban sa akin.

21“Ngunit Makapangyarihang Panginoon, tulungan nʼyo ako para kayo ay maparangalan. Iligtas nʼyo ako dahil kayo ay mabuti at mapagmahal.

22Dahil akoʼy dukha at nangangailangan, at ang damdamin koʼy nasasaktan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.