17Gustong-gusto niyang sumpain ang iba, kaya sa kanya na lang sana mangyari ang kanyang sinabi. Ayaw niyang pagpalain ang iba kaya sana hindi rin siya pagpalain.
18Walang tigil niyang isinusumpa ang iba; parang damit na lagi niyang suot. Bumalik sana ito sa kanya na parang tubig na nanunuot sa kanyang katawan, at parang langis na tumatagos sa kanyang mga buto.
19Sanaʼy hindi na ito humiwalay sa kanya na parang damit na bumabalot sa katawan o sinturon na palaging nakabigkis.
20Panginoon, sanaʼy maging ganyan ang inyong parusa sa mga nagpaparatang at nagsasalita ng masama laban sa akin.
21“Ngunit Makapangyarihang Panginoon, tulungan nʼyo ako para kayo ay maparangalan. Iligtas nʼyo ako dahil kayo ay mabuti at mapagmahal.