Awit 109

Gustong-gusto niyang sumpain ang iba, kaya sa kanya na lang sana mangyari ang kanyang sinabi. Ayaw niyang pagpalain ang iba kaya sana hindi rin siya pagpalain.

Psalm 109:17 (UKJV) As he loved cursing, so let it come unto him: as he delighted not in blessing, so let it be far from him.

16“Dahil hindi niya naiisip na gumawa ng mabuti, sa halip ay inuusig at pinapatay niya ang mga dukha, ang mga nangangailangan at ang mga nawalan ng pag-asa.

17Gustong-gusto niyang sumpain ang iba, kaya sa kanya na lang sana mangyari ang kanyang sinabi. Ayaw niyang pagpalain ang iba kaya sana hindi rin siya pagpalain.

18Walang tigil niyang isinusumpa ang iba; parang damit na lagi niyang suot. Bumalik sana ito sa kanya na parang tubig na nanunuot sa kanyang katawan, at parang langis na tumatagos sa kanyang mga buto.

19Sanaʼy hindi na ito humiwalay sa kanya na parang damit na bumabalot sa katawan o sinturon na palaging nakabigkis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.