2Inihanda na ng mga masasama ang kanilang mga pana, upang panain nang palihim ang mga matutuwid.
3Ano ang magagawa ng mga matutuwid kung ang batas na pundasyon ng bayan ay wala nang halaga?”
4Ang Panginoon ay nasa kanyang Templo; at nasa langit ang kanyang trono. Tinitingnan niya at sinisiyasat ang lahat ng tao.
5Sinisiyasat niya ang matutuwid at masasamâ. Ngunit siyaʼy napopoot sa mga malulupit.
6Pauulanan niya ng lumalagablab na baga at asupre ang masasamâ; at ipapadala niya ang mainit na hangin na papaso sa kanila.