Awit 11

Inihanda na ng mga masasama ang kanilang mga pana, upang panain nang palihim ang mga matutuwid.

Psalm 11:2 (UKJV) For, lo, the wicked bend their bow, they make ready their arrow upon the string, that they may privately shoot at the upright in heart.

1Sa Panginoon ako kumakanlong. Ngunit sinasabi ninyo sa akin, “Tumakas ka papuntang kabundukan, lumipad kang tulad ng ibon.

2Inihanda na ng mga masasama ang kanilang mga pana, upang panain nang palihim ang mga matutuwid.

3Ano ang magagawa ng mga matutuwid kung ang batas na pundasyon ng bayan ay wala nang halaga?”

4Ang Panginoon ay nasa kanyang Templo; at nasa langit ang kanyang trono. Tinitingnan niya at sinisiyasat ang lahat ng tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.