Awit 111

Ipinaaalala niya ang kanyang mga kahanga-hangang gawa. Siya ay mabuti at mahabagin.

Psalm 111:4 (UKJV) He has made his wonderful works to be remembered: the LORD is gracious and full of compassion.

2Napakadakila ng mga gawa ng Panginoon; iniisip ito ng lahat ng nagagalak sa kanyang mga gawa.

3Ang lahat ng kanyang mga gawa ay nagpapakita ng kanyang kapangyarihan at karangalan. At ang kanyang katuwiran ay nagpapatuloy magpakailanman.

4Ipinaaalala niya ang kanyang mga kahanga-hangang gawa. Siya ay mabuti at mahabagin.

5Binibigyan niya ng pagkain ang mga may takot sa kanya, at ang kanyang kasunduan sa kanila ay hindi niya kinakalimutan.

6Ipinakita niya sa kanyang mga mamamayan ang kapangyarihan ng kanyang mga gawa, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga lupain ng ibang mga bansa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.