1Purihin ang Panginoon! Buong puso kong pasasalamatan ang Panginoon sa pagtitipon ng mga matuwid.
2Napakadakila ng mga gawa ng Panginoon; iniisip ito ng lahat ng nagagalak sa kanyang mga gawa.
3Ang lahat ng kanyang mga gawa ay nagpapakita ng kanyang kapangyarihan at karangalan. At ang kanyang katuwiran ay nagpapatuloy magpakailanman.
4Ipinaaalala niya ang kanyang mga kahanga-hangang gawa. Siya ay mabuti at mahabagin.