Awit 115

Paramihin sana kayo ng Panginoon, kayo at ang inyong mga angkan.

Psalm 115:14 (UKJV) The LORD shall increase you more and more, you and your children.

12Hindi tayo kinakalimutan ng Panginoon, pagpapalain niya ang mga mamamayan ng Israel at ang mga angkan ni Aaron.

13Pagpapalain niya ang lahat ng may takot sa kanya, dakila man o aba.

14Paramihin sana kayo ng Panginoon, kayo at ang inyong mga angkan.

15Sanaʼy pagpalain kayo ng Panginoon na lumikha ng langit at ng lupa.

16Ang kalangitan ay sa Panginoon, ngunit ang mundo ay ipinagkatiwala niya sa mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.