Awit 115

Pagpapalain niya ang lahat ng may takot sa kanya, dakila man o aba.

Psalm 115:13 (UKJV) He will bless them that fear the LORD, both small and great.

11Kayong mga may takot sa Panginoon, magtiwala kayo sa kanya. Siya ang tutulong at mag-iingat sa inyo.

12Hindi tayo kinakalimutan ng Panginoon, pagpapalain niya ang mga mamamayan ng Israel at ang mga angkan ni Aaron.

13Pagpapalain niya ang lahat ng may takot sa kanya, dakila man o aba.

14Paramihin sana kayo ng Panginoon, kayo at ang inyong mga angkan.

15Sanaʼy pagpalain kayo ng Panginoon na lumikha ng langit at ng lupa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.