1Panginoon, hindi kami ang dapat na parangalan, kundi kayo, dahil sa inyong pag-ibig at katapatan.
2Bakit kami kinukutya ng ibang bansa at sinasabi nilang, “Nasaan na ang inyong Diyos?”
3Ang aming Diyos ay nasa langit, at ginagawa niya ang kanyang nais.
4Ngunit ang kanilang mga diyos ay yari sa pilak at ginto na gawa lang ng tao.
5May bibig sila, ngunit hindi nakakapagsalita; may mga mata, ngunit hindi nakakakita.