Awit 115

Ngunit ang kanilang mga diyos ay yari sa pilak at ginto na gawa lang ng tao.

Psalm 115:4 (UKJV) Their idols are silver and gold, the work of men's hands.

2Bakit kami kinukutya ng ibang bansa at sinasabi nilang, “Nasaan na ang inyong Diyos?”

3Ang aming Diyos ay nasa langit, at ginagawa niya ang kanyang nais.

4Ngunit ang kanilang mga diyos ay yari sa pilak at ginto na gawa lang ng tao.

5May bibig sila, ngunit hindi nakakapagsalita; may mga mata, ngunit hindi nakakakita.

6May mga tainga, ngunit hindi nakakarinig; may ilong, ngunit hindi nakakaamoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.