8Sapagkat iniligtas niya ako sa kamatayan, sa kalungkutan at kapahamakan.
9Kaya mamumuhay ako na malapit sa Panginoon dito sa mundo ng mga buháy.
10Kahit na sinabi kong, “Sukdulan na ang paghihirap ko,” nagtitiwala pa rin ako sa kanya.
11Sa aking pagkabalisa ay nasabi kong, “Wala ni isang taong mapagkatiwalaan.”
12Ano kaya ang maigaganti ko sa Panginoon sa lahat ng kabutihan niya sa akin?