6Iniingatan ng Panginoon ang mga kulang sa kaalaman. Nang wala na akong magawa, akoʼy iniligtas niya.
7Magpapakatatag ako, dahil ang Panginoon ay mabuti sa akin.
8Sapagkat iniligtas niya ako sa kamatayan, sa kalungkutan at kapahamakan.
9Kaya mamumuhay ako na malapit sa Panginoon dito sa mundo ng mga buháy.
10Kahit na sinabi kong, “Sukdulan na ang paghihirap ko,” nagtitiwala pa rin ako sa kanya.