13Sasambahin ko ang Panginoon, at maghahandog ako sa kanya ng pasasalamat sa kanyang pagliligtas sa akin.
14Tutuparin ko ang aking mga pangako sa Panginoon sa harap ng kanyang mga mamamayan.
15Nasasaktan ang Panginoon kung mamatay ang kanyang mga tapat na mga mamamayan.
16Panginoon, ako nga ay inyong lingkod. Iniligtas nʼyo ako sa pagkabihag.
17Sasamba ako sa inyo at mag-aalay ng handog bilang pasasalamat.