3Natakot ako dahil nararamdaman kong malapit na akong mamatay. Ang kamatayan ay parang tali na pumupulupot sa akin. Nag-aalala ako at naguguluhan,
4kaya tumawag ako sa Panginoon, “Panginoon, iligtas nʼyo po ako.”
5Ang Panginoon nating Diyos ay mabuti, matuwid at mahabagin.
6Iniingatan ng Panginoon ang mga kulang sa kaalaman. Nang wala na akong magawa, akoʼy iniligtas niya.
7Magpapakatatag ako, dahil ang Panginoon ay mabuti sa akin.