8Mas mabuti pang manalig sa Panginoon, kaysa magtiwala sa tao.
9Mas mabuting pang manalig sa Panginoon, kaysa magtiwala sa mga pinuno.
10Napaligiran ako ng maraming bansang kaaway ko, ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko.
11Totoong pinaligiran nila ako, ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko.
12Sinalakay nila ako na parang mga pukyutan, ngunit silaʼy napatigil na parang sinusunog na dayami. Dahil sa kapangyarihan ng Panginoon, silaʼy tinalo ko.