10Napaligiran ako ng maraming bansang kaaway ko, ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko.
11Totoong pinaligiran nila ako, ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko.
12Sinalakay nila ako na parang mga pukyutan, ngunit silaʼy napatigil na parang sinusunog na dayami. Dahil sa kapangyarihan ng Panginoon, silaʼy tinalo ko.
13Puspusan nila akong sinalakay, at halos magtagumpay na sila, ngunit tinulungan ako ng Panginoon.
14Ang Panginoon ang aking kalakasan at siya ang aking awit. Siya ang nagligtas sa akin.