19Buksan ninyo ang pintuan ng Templo ng Panginoon para sa akin dahil papasok ako at siyaʼy aking pasasalamatan.
20Ito ang pintuan ng Panginoon na ang mga matuwid lang ang makakapasok.
21Magpapasalamat ako sa inyo Panginoon, dahil sinagot nʼyo ang aking dalangin. Kayo ang nagligtas sa akin.
22Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ang siyang naging batong panulukan.
23Ang Panginoon ang may gawa nito at tunay na kahanga-hanga sa ating paningin.