Awit 119

Buong puso akong lumalapit sa inyo; kaya akoʼy tulungan ninyo na huwag lumihis sa mga utos ninyo.

Psalm 119:10 (UKJV) With my whole heart have I sought you: O let me not wander from your commandments.

8Susundin ko ang inyong mga tuntunin, kaya huwag ninyo akong pababayaan.

9Paano mapapanatili ng isang kabataan na dalisay ang kanyang buhay? Sa pamamagitan ng pamumuhay niya ayon sa inyong salita.

10Buong puso akong lumalapit sa inyo; kaya akoʼy tulungan ninyo na huwag lumihis sa mga utos ninyo.

11Ang salita ninyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.

12Purihin kayo Panginoon! Ituro ninyo sa akin ang inyong mga tuntunin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.