Awit 119

Sa inyong mga tuntunin, pang-unawa koʼy lumalawak, kaya kinamumuhian ko ang lahat ng gawaing masama.

Psalm 119:104 (UKJV) Through your precepts I get understanding: therefore I hate every false way.

102Hindi ako lumihis sa inyong mga utos, dahil kayo ang nagturo sa akin.

103Kay tamis ng inyong mga salita, mas matamis pa ito kaysa sa pulot.

104Sa inyong mga tuntunin, pang-unawa koʼy lumalawak, kaya kinamumuhian ko ang lahat ng gawaing masama.

105Ang salita ninyo ay ilaw sa aking paanan, nagbibigay-liwanag sa aking daraanan.

106Nanumpa ako at muling nangangako na susundin ko ang mga matuwid na utos ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.