Awit 119

Ang inyong mga turo ang mana kong walang hanggan, sapagkat itoʼy nagbibigay sa akin ng kagalakan.

Psalm 119:111 (UKJV) Your testimonies have I taken as an heritage for ever: for they are the rejoicing of my heart.

109Kahit na akoʼy palagiang nasa bingit ng kamatayan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga kautusan.

110Ang masasamaʼy naghanda ng patibong para sa akin, ngunit hindi ako humihiwalay sa inyong mga tuntunin.

111Ang inyong mga turo ang mana kong walang hanggan, sapagkat itoʼy nagbibigay sa akin ng kagalakan.

112Aking napagpasyahan na susundin ko ang inyong mga tuntunin hanggang dulo.

113Kinamumuhian ko ang mga taong hindi tapat sa inyo, ngunit iniibig ko ang inyong mga kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.