Awit 119

Ang masasamaʼy naghanda ng patibong para sa akin, ngunit hindi ako humihiwalay sa inyong mga tuntunin.

Psalm 119:110 (UKJV) The wicked have laid a snare for me: yet I erred not from your precepts.

108Tanggapin ninyo Panginoon ang taos-puso kong pagpupuri, at ituro ninyo sa akin ang inyong mga utos.

109Kahit na akoʼy palagiang nasa bingit ng kamatayan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga kautusan.

110Ang masasamaʼy naghanda ng patibong para sa akin, ngunit hindi ako humihiwalay sa inyong mga tuntunin.

111Ang inyong mga turo ang mana kong walang hanggan, sapagkat itoʼy nagbibigay sa akin ng kagalakan.

112Aking napagpasyahan na susundin ko ang inyong mga tuntunin hanggang dulo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.