Awit 119

Tanggapin ninyo Panginoon ang taos-puso kong pagpupuri, at ituro ninyo sa akin ang inyong mga utos.

Psalm 119:108 (UKJV) Accept, I plead to you, the freewill offerings of my mouth, O LORD, and teach me your judgments.

106Nanumpa ako at muling nangangako na susundin ko ang mga matuwid na utos ninyo.

107Hirap na hirap na po ako Panginoon; panatilihin ninyo akong buháy ayon sa inyong pangako.

108Tanggapin ninyo Panginoon ang taos-puso kong pagpupuri, at ituro ninyo sa akin ang inyong mga utos.

109Kahit na akoʼy palagiang nasa bingit ng kamatayan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga kautusan.

110Ang masasamaʼy naghanda ng patibong para sa akin, ngunit hindi ako humihiwalay sa inyong mga tuntunin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.