Awit 119

Hirap na hirap na po ako Panginoon; panatilihin ninyo akong buháy ayon sa inyong pangako.

Psalm 119:107 (UKJV) I am afflicted very much: restore life in me, O LORD, according unto your word.

105Ang salita ninyo ay ilaw sa aking paanan, nagbibigay-liwanag sa aking daraanan.

106Nanumpa ako at muling nangangako na susundin ko ang mga matuwid na utos ninyo.

107Hirap na hirap na po ako Panginoon; panatilihin ninyo akong buháy ayon sa inyong pangako.

108Tanggapin ninyo Panginoon ang taos-puso kong pagpupuri, at ituro ninyo sa akin ang inyong mga utos.

109Kahit na akoʼy palagiang nasa bingit ng kamatayan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.